PBB Housemate Niña Jose Weds Billionaire Pangasinan Mayor





Naalala niyo paba si Niña Jose ng PBB Teen Edition 1? Ano nga bang nangyari sa kaniya matapos siya maglaho sa showbiz?

Nakilala si Niña Jose ng pumasok siya sa Pinoy version ng Big Brother reality game show. Fellow housemate niya ang Chinita Princess na si Kim Chiu, na nanalo bilang big winner taong 2006.



Pagkatapos sa PBB, pinasok naman niya ang acting. Bumida siya sa iba't-ibang shows tulad ng "Da Adventures of Pedro Penduko sa 2006, "My Girl sa 2007, at TV5's Kidlat, ang kanyang huling paglabas sa telebisyon.




Nangyon Biyernes, November 17.  Ikinasal sa simbahan si Niña Jose sa alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Cezar Quiambao.

Idinaos ang kasalan sa cathedral ng Bayambang at dinaluhan ito ng mga kamag-anak, kaibigan, at constituents ng alkalde.


Una nang ikinasal sina Niña at Mayor Cezar sa isang civil ceremony noong Enero 2017. 

Halos doble ang edad ng napangasawa ni Niña, na 29-anyos lamang.


Wala naman daw problema sa alkalde ang pagitan ng kanilang edad. 

Si Mayor Quiambao ay bilyonaryong negosyante na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company.



Source: Pep
Sponsored Ad



Popular posts from this blog

Top Philippine Showbiz Industry's Open Secrets

Mark Anthony Fernandez Nakabuntis nga ba ng Dalawang Pulis?