The Untold Story sa Pagkamatay ni Hashtag Franco

Nalunod si Franco matapos na mahulog sa sinasakyan nilang bangka noong Sabado ng hapon sa Davao Occidental.

Pabalik na raw sila mula sa bakasyon nang ang kanilang sinasakyang bangka ay salubungin ng isang malakas na alon.

Nahulog sa bangka si Franco at ang kanyang girlfriend.

Naging mabilis naman ang kanilang mga kasama sa pagsagip sa kanila, pero nang maiahon si Franco ay wala na nga siyang malay.

Nadala pa siya sa isang clinic sa Malita, pero sinabing siya ay patay na nang dumating doon. Kasama ni Franco ang isa pang member ng Hashtags na si Tom Doromal.

Sponsored Ad

Ligtas naman si Doromal at hindi nahulog sa bangka.

Bata pa si Franco. Siya ay 26 years old lamang.

Sinasabi ring marami pa siyang pangarap sa buhay, na sayang nga at hindi na natupad.

Bumuhos naman agad ang pakikiramay mula sa kanyang mga kaibigan sa show business. Karamihan sa kanila ang hindi makapaniwala sa pangyayari.

Marami ang nagsa­ sabing sana nga “fake news” na lamang iyon. Sana “may nakuryente” na lang na balita.

Pero hindi nga, kumpirmado nang pumanaw si Franco.

Talagang kung minsan, masasabi mo ngang talagang napakaikli ng buhay.

Rated K features the tragic accident that ended the life of Hashtags member Franco Hernandez.
Source: philstar.com

Sponsored Ad



Popular posts from this blog

Top Philippine Showbiz Industry's Open Secrets

Mark Anthony Fernandez Nakabuntis nga ba ng Dalawang Pulis?

Beautiful Andrea Brillantes Shows her Beach Body in La Union