Korean Star Couple Lee Min Ho at Bae Suzy Hiwalay Na

Tapos na ang 3 taong relasyon ng Korean top star couple na sina Lee Min – ho at singer-actress Bae Suzy
Ito ang kinumpirma ng agencies na humahawak sa dalawa, base na din sa report ng The Kore Herald.

Hindi naman sinabi ng JYP Entertainment, ang agency na humahawak kay Suzy, ang tunay na dahilan ng breakup para na din sa privacy issues ng dalawa. 

Sa panig naman ni Lee, kinumpirma din ng agency nito na MYM Entertainment na break na ang top star couple matapos ang tatlong taon.

Matatandaang inanunsyo nina Lee at Suzy ang kanilang relasyon noong Marso 2015.

Samantala, pinabulaanan naman ng dalawa ang usap – usapang nag – break na sila noong Setyembre 2015 at noong Agosto 2016, na anila mayroon silang “strong relationship”.
Si Lee ay bumida sa “The Heirs” at “Legend of the Blue Sea”, at ngayo’y nasa social welfare center bilang parte ng mandatory military service sa kanilang bansa.
Habang si Suzy naman ay abala sa kanyang pagbida sa “While You Were Sleeping”.

Source: Dwiz

Sponsored Ad



Popular posts from this blog

Top Philippine Showbiz Industry's Open Secrets

Beautiful Andrea Brillantes Shows her Beach Body in La Union

14 Darna of Philippine History