Vice Ganda, Nagpasaya sa Last Night ni Franco Hernandez
Nagawang mapasaya ni Vice Ganda ang pamilya, mga kaibigan, at iba pang mahal sa buhay ng yumaong anak-anakan na si Franco Hernandez sa kanyang burol sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City nitong Huwebes.

"Pinapatawa ko lang sila para masaya lang ang mood," ani Vice Ganda, na umaming hirap pa ring tanggapin ang pagpanaw ni Franco.
"Actually ayaw ko nang magsalita, ang sakit-sakit na ng dibdib ko. In fact, after the live episode of 'It's Showtime' yesterday, nakiusap ako sa management, sabi ko ipa-pack up ko na ang taping ng 'GGV,' hindi ko talaga kayang magpatawa. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko, di ko kayang magharot, magsaya. Just give me a day to mourn for my son, Franco," dagdag niya.

"Siguro kaya ginawa na rin akong bakla ng Diyos, para hindi talaga ako magkaanak. Kasi ito pa lang, hindi ko totoong anak pero hindi ko kinakaya."
Biro pa ni Vice Ganda sa mga magulang ni Franco: "Mahal ko po ang anak niyo. Pero hindi po kami mag-jowa, hindi po ako pumapatol sa below 5'7. Halos lahat po ng jowa ko ay 6-footer, mythical 5, PBA level, joke, charot!"
Sa huli, nagpasalamat si Vice Ganda kay Franco sa pagbabahagi nito ng kanyang talento, oras, at pagmamahal.
"Maraming salamat, Franco, I will miss you. For now, iiyak ako kapag iniisip kita but I know in time, give me like a month or two, kapag inisip kita tatawa na ako ulit, kapag inisip kita ay magiging masaya na ako ulit. Thank you so much for sharing us your time, your friendship, your heart, and your talent," aniya.
Sponsored Ad